Herarkiya ng Pagpapahalaga sa Pag-aaral ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan sa Wikang Aking Kinagisnan
Wika ang Daan sa Magandang Usapan |
Anu-ano ba ang tinuturing mong mahalaga sa iyo? Bakit mo pinapahalagahan ang mga ito? Tama ba ang iyong mga pinahahalagahan at pagpapahalagang iniuukol dito? Ikaw ba mismo alam ang asignaturang ito? Ikaw ba ay gumagamit nito? Mahal mo ba ang wikang meron tayo? O, isa ka rin sa mga kabataan ngayon na sa wikang Ingles ay gustong matuto?
Ilan lamang ito sa mga mahahalagang katanungang pupukaw sa iyong kamalayan upang mapag-ukulan mo ng pansin ang bahaging ito ng iyong pagkatao. Mahalagang may kamalayan ka tungkol dito. Hindi sapat na nabubuhay lang tayo sa mundong ito. Kailangang malinaw din sa atin kung para saan ang buhay nating ito. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalagang nabubuhay ka nang makahulugan at makabuluhan. Sa simpleng paraan ng paggamit ng wikang meron ang isang bansa o bayan mo.
Tanggapin man natin o hindi ang katotohanan, karamihan ngayon sa kabataan sa ibang wika gustong matuto. Katulad ng wikang Ingles ito ang madalas gamitin at marinig sa paligid. Kung saan nagiging dahilan ito para mawalan pansin ang sariling atin. Ang pagpapahalaga ng wikang Filipino, noon pa man ay isinasagawa na ito ng mga Pilipino. Mapabata, matanda, lalaki o babae man ay nagbibigay pugay at respeto sa mga dugo't pawis na inialay nang ating mga ninuno.
Bawat tao ay may sariling pagpapahalaga sa wika. Pero paano mo/natin masasabing pinapahalagahan ito? kung ibang wika ang bukng bibig mo. Wika? Sa wika tayo natuto. Noon at hanggang ngayon dala-dala natin ito. Mula elementarya hanggang kolehiyo nang ating pag-aaral ginagamit natin ang wika. Ang wikang napapabayaan na ng kabataan.
Bilang isa sa mga kabataan ngayon, sa araw-araw nating paggamit ng wika natin masasabi kong isa itong paraan sa pagtangkilik at pagpapahalaga ng mga akda, gawa't salik ng ating mga ninuno o katutubo. Sa ating paggamit ng sarili nating wika ay tungkulin natin na gamitin ang bawat letra o salita sa tamang paraan sa paggawa ng sa isang pangungusap talata.
Bilang isa sa mga kabataan ngayon, sa araw-araw nating paggamit ng wika natin masasabi kong isa itong paraan sa pagtangkilik at pagpapahalaga ng mga akda, gawa't salik ng ating mga ninuno o katutubo. Sa ating paggamit ng sarili nating wika ay tungkulin natin na gamitin ang bawat letra o salita sa tamang paraan sa paggawa ng sa isang pangungusap talata.
No comments:
Post a Comment